” Paano… “
Have you ever been in love? Nakilala mo na ba yung taong masasabi mong “Siya na talaga” ? Have you ever tried forgetting someone pero talagang parang parte na siya ng katawan mo? Bakit ang hirap magmahal? Bakit hindi pwedeng okay ang lahat? Bakit kailangan may ending ang bawat story? Bakit may salitang “Forever” kung hindi naman pala ito totoo? Bakit ginawa ang “promises” kung masasaktan lang tayo? Bakit tayo binigyan ng puso at utak? Yan tuloy, sobrang hirap maging tao.
MADALING SAGUTIN ANG TANONG KAPAG NAGSISIMULA SA “BAKIT”… THEN, BIGLANG PUMASOK YUNG TANONG NA “PAANO”…
Oo, lahat may dahilan. Maraming paraan. Pero lagi tayong dumadating sa point na hindi na natin alam ang gagawin natin. And then we think of ways to get out of that situation but then we think again, “PAANO?”. Alam mo na sa sarili mo kung anong gagawin yet, you still don’t know HOW you can push yourself to do it.
PAANO KUNG MAWALA YUNG TAONG NAGBIBIGAY SAYO NG INSPIRATION AT DIRECTION ? PAANO KUNG YUNG MGA BAGAY NA AKALA MO FOREVER AY BIGLANG NAWALA ? PAANO KUNG MAWALA LAHAT NG NAKASANAYAN MO, SAAN KA MAGSISIMULA? ANONG UNA MONG GAGAWIN? PAANO MO TATANGGALIN SA SARILI MO YUNG SAKIT NA NARARAMDAMAN MO ? PAANO MAGING OKAY KUNG ALAM MO SA SARILI MO NA HINDI MO TALAGA KAYA ? PAANO MO AAYUSIN YUNG MGA BAGAY NA WALA KANG KASIGURADUHAN KUNG MAGIGING MAAYOS PA?
Sa Love walang forever. Ang Promises hindi laging natutupad. Kung may start, syempre may ending. Pag naging masaya ka, may kapalit naman na Pain in the end.
Alam niyo, eto lang nasa isip ko ngayon —-> ” ……… ” at kapag nag-isip ako ulit… Eto naman —-> “Hindi ko talaga kaya!!! mahal ko talaga siya… ” Nagtatanong na ko sa sarili ko ng walang katapusang Paano. Wala nang pumapasok sa utak ko at halos hindi naman maubos yung sakit sa dibdib ko. Gusto ko maging selfish. Gusto ko gawin lahat ng gusto ko. Pero hindi pwede. Paano tatanggapin ng utak ko yung hindi pwede? Ang hirap naman. Gusto mo ng space pero hindi ko alam kung paano ko ibibigay sayo yun. Gusto mo magbago pero para saan? Hindi ba para sakin? Gusto mo na ba ako alisin sa buhay mo ng ganun lang? Nung mawala ka, ang una kong natanong sa sarili ko… “PAANO NA AKO?”
I built my world around you. When you left, gumuho yung mundo ko. Yung happiness ko, IKAW. When you left, hindi ko na alam kung paano maging masaya. Kahit anong oras kaya kong ilagay sa alanganin yung sarili ko, basta ikaw ang dahilan. Anytime, kaya kong gumawa ng paraan para makasama ka. Kahit anong gagawin ko para makasama kita. Never ako nagkaroon ng excuses basta ikaw ang reason ko. Walang naging hadlang sakin. Nung dumating ka sa buhay ko, wala na akong ibang pangarap kung hindi ikaw lang. Oo, madrama. Oo, Emo. Oo, maboka. Pero anong gagawin ko kung yan talaga yung totoo. At ang mas malala, “Paano pag wala ka na. San ako magsisimula?”
Girls, we also take men for granted. Madalas natin nakikita yung mali nila pero di natin nakikita yung paghihirap nila pag may misunderstanding. Nasanay ako na nilalambing mo lang ako pag may away. Nasanay ako na pinaparamdam mo sakin na mahal mo ko. Nasanay ako na ikaw lang kausap ko. Nasanay ako sa lahat. Tapos biglang nawala lahat ng nakasanayan ko. It sucked the life out of me. Literally.
Madalas guys yung nagsasabi ng sorry. We put too much pressure on guys that we almost forgot na tao din pala sila. Napapagod. Yes, madalas sila yung may kasalanan pero an argument works both ways. Ibig sabihin, parehas lang may pagkukulang. Now lang ako nakaramdam ng wake up call. Mahal pala talaga kita. Wala ng iba. Nakadepende na masyado yung buhay ko sayo. Ngayon ko nga lang din na-realize kung gaano ka-grabe yung love ko para sayo. I appreciate everything, pero hindi ko na nakikita yung mga ginagawa mo para sakin dahil sa pressure ng long distance relationship. Nag-aaway tayo palagi. Hindi magkasundo. Pero ngayon ko lang na-realize na this relationship is worth fighting for. Mas gusto ko pa nag-aaway tayo palagi kesa wala akong kaaway. Pag inaaway kasi kita, nararamdaman ko kung gaano mo ko kamahal. Kagabi ko lang naramdaman yung nararamdaman mo. Kagabi ko lang nakita yung totoong ikaw.
TO BE CONTINUED…




